Kamara, pinagsabihan si ACT-OFW Party-list Rep. John Bertiz kaugnay sa airport video nito

by Radyo La Verdad | October 10, 2018 (Wednesday) | 5376

Pinagsabihan ng mababang kapulungan ng Kongreso si ACT-OFW Party-list Rep. John Bertiz kaugnay ng kumalat na airport video nito sa social media.

Mismong si House Minority Leader Danilo Suarez ang nagmosyon sa plenaryo na i-reprimand o pagsabihan si Bertiz dahil sa kanyang nagawa.

159 kongresista ang sumangayon dito, 1 ang tumutol at 3 abstain.

Ayon kay Bertiz, handa siyang tanggapin ito at muling humingi ng paumanhin sa harap ng kanyang mga kasama sa Kamara.

Hiling nito ay sana ay huwag nang idamay pa ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang mga anak na ngayon umano ay nakakatanggap ng malalaswa at masasamang komento sa social media.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

Tags: , ,