Karagdagang importasyon ng bigas dahil sa El Niño, ikinokonsidera ni Pangulong Aquino

by Radyo La Verdad | October 27, 2015 (Tuesday) | 474

NEL_PNOY
Pinagaaralan na ng Pamahalaan kung dadagdagan ang dami ng i-import na bigas upang mapanatili ang sapat na suplay at presyo nito sa mga pamilihan.

Kaugnay ito ng nang epekto ng El Niño sa bansa at sa pinsalang idinulot ng bagyong lando sa mga taniman ng palay sa Northern Luzon.

Ayon sa Pangulo pinag-aaralan na niya ang panukalang magdagdag ng rice importation bunsod ng epekto ng El Niño at kalamidad na idinulot ng nagdaang bagyo sa bansa.(Nel Maribojoc/UNTV Correspondent)

Tags: , ,