Kaso ng bird flu virus sa Cabiao Nueva Ecija, kinumpirma

by Radyo La Verdad | November 30, 2017 (Thursday) | 7668

Kinumpirma ng Nueva Ecija Provincial Government na umabot sa nasa forty two thousand three hundred na mga layer chicken  ang pinatay ng Provincial Veterinary Office  noong nakaraang  linggo sa isang ektaryang poultry farm sa barangay Concepcion sa Cabiao, Nueva Ecija.

Ayon kay Provincial Administrator Atty. Alejandro Abesamis, November 12  ng  may namonitor ang Provincial Veterinary Office na high mortality rate sa mga layers na manok sa nasabing poultry farm.

November 13, kaagad silang kumuha ng specimen mula sa mga namatay na manok at kaagad pinadala ito sa central office ng Bureau of Animal Industry sa Quezon City.

Ayon pa kay Atty. Abesamis, batay sa bagong protocol ng Department of Agriculture na kanilang sinusunod, inilibing din ito sa loob ng poultry compound kung saan nila ito pinatay upang hindi na kumalat pa ang sakit. Dahil din aniya sa tulong ng mga LGU at kooperasyon ng mga poultry owner kaya agad nila itong naaksyunan.

Sang-ayon naman ang nasa apat na libong mga residente na naninirahan dito sa ginawang hakbang ng Provincial Veterinary Office upang huwag ng kumalat pa ang sakit.

Tiniyak din ng provincial government ang kanilang kahandaan sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mahigpit na monitoring sa lahat ng mga poultry farm sa buong probinsya upang huwag ng maulit pa ang nangyaring insidente ng sakit sa dalawang bayan ng Jaen at San Isidro noong nakalipas na mga buwan.

 

( Danny Munar / UNTV Correspondent )

Tags: , ,