METRO MANILA – Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng pagtaas ng kaso ng Leptospirosis sa bansa.
Batay sa datos ng DOH mula January 1 hanggang July 15, aabot sa kabuuang 2,079 ang kaso ng nasabing sakit.
Mula naman June 18 hanggang July 1, nadagdagan pa ng 182 bagong kaso ng leptospirosis.
Pinakamarami ang naitala sa Central Luzon na tumaas ang kaso sa nakalipas na 6 na linggo.
Iniulat din ng DOH, na aabot sa 225 ang naitala nilang bilang ng mga nasawi mula sa Leptospirosis.
Payo ng DOH sa publiko na iwasan ang paglusong sa baha nang walang sapat na panangga tulad ng bota.
Tags: DOH, leptospirosis
METRO MANILA – Patuloy ang pagbabantay ng Department of Health (DOH) laban sa water-borne illnesses, influenza-like illnesses, leptospirosis, at dengue o wild diseases kung tawagin.
Bagaman nagsisimula pa lamang ang tag-ulan, nakapagtala na ang kagawaran ng pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa bansa.
Mula sa 6 na kaso sa pagsisimula ng Mayo, nakapagtala ang DOH ng 60 kaso mula May 19 hanggang June 1 ng taong kasalukuyan.
At umakayat pa ito sa 83 kaso mula June 2 hanggang June 15.
84 naman ang naitalang nasawi ngayong taon. Pinaaalalahanan ang publiko na umiwas maglaro o sumulong sa baha para maiwasan ang leptospirosis.
Ngunit kung ‘di talaga maiiwasan ag magsuot ng bota at agad maghugas o maglinis ng katawan gamit ang malinis na tubig at sabon.
Hinihikayat din ng kagawaran ang mga lokal na pamahalaan na i-declog ang flood drains at magpatupad ng rodent control measures para mapababa ang tsansang mapasa ang sakit sa mga tao.
Tags: leptospirosis
METRO MANILA – Nilinaw ng Department of Health (DOH) na walang naiulat na nasawi dahil sa Monkeypox na tinatawag na ngayong MPOX.
Ayon kay Health Assistant Secretary Albert Domingo, walang pasyenteng nasawi sa MPOX mula sa anomang rehiyon ng bansa .
Nilinaw ito kasunod ng ulat na iniimbestigahan ng DOH sa Central Visayas ang pagkasawi ng isang 27-anyos na lalaki mula sa Negros Oriental, sa pinaghihinalaang kaso ng MPOX.
Paliwanag ni Asec. Domingo, halos magkahawig kasi ang mga butlig o sintomas ng chickenpox, shingles, herpes, at MPIX.
Kaya paalala niya na antayin ang opisyal na pahayag mula sa DOH at iwasan ang paggamit ng hindi beripikadong impormasyon.
METRO MANILA – Umakyat na sa 9 ang bilang ng mga nagpositibo sa sakit na Pertussis sa buong Caraga region mula January 1 hanggang kahapon, June 3.
Ayon sa Department of Health (DOH), mula sa 5 ay naging 9 ang nagpositibo sa rehiyon sa pagpasok ng buwan ng hunyo. 7 rito ay mula sa Surigao Del Norte habang tig-1 naman sa Agusan Del Norte at Agusan Del Sur.
Samantala, nasa 7 naman ang bagong suspected cases na naitala sa rehiyon. Sa ngayon 3 na ang nasawi dahil sa sakit na Pertussis sa Caraga.
Paalala ng kagawaran sa publiko na ang nasabing sakit ay nagsisimula lamang sa mild cough at lagnat na umaabot hanggang 2 Linggo, at pag-ubo naman na umaabot hanggang 6 na Linggo kaya mas maiging magpatingin agad sa doktor kung makaranas ng mga sintomas na ito upang hindi na lumala pa.