Kasong graft laban kay dating Chief Justice Sereno, ipinasa na ng DOJ sa Ombudsman

by Radyo La Verdad | August 21, 2018 (Tuesday) | 5025

 

Ipinasa na ng Department of Justice (DOJ) sa Office of the Ombudsman ang imbestigasyon sa kasong graft laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon sa complainant na si Atty. Larry Gadon, ikinatutuwa niya ang pag-endorso ng Doj sa isinampa niyang reklamo, kung saan inaakusahan niya si Sereno ng kabiguang magsumite ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) sa loob ng labimpitong taon na nagtuturo ito sa UP College of Law.

Isinampa ang reklamo noong hindi pa napapatalsik si Sereno kayat ipinagpaliban ng DOJ ang imbestigasyon dito dahil hindi maaaring kasuhan ang isang nakaupong chief justice.

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,