Kauna-unahang data center ng Alibaba Cloud sa Pilipinas, itatayo bago matapos ang taon

by Erika Endraca | June 11, 2021 (Friday) | 191

METRO MANILA – Inanunsyo ng Alibaba Cloud nitong Martes (Hunyo 8) na sa katapusan ng taong ito ay sisimulan nang itayo sa Maynila ang kanilang unang data center sa bansa.

Naniniwalala si Alibaba Cloud Intelligence General Manager Leo Liu na magiging daan ang naturang hakbang para sa digitalization ng mga negosyo at pagbubukas ng maraming trabaho sa Pilipinas at sa buong Asya.

“Cloud computing has become central to the digitalization of businesses in the Philippines and around Asia. With our first data center in the country, we will be able to better support Philippine enterprises in adopting cloud technologies and preparing for a digital-first future,” ani Alibaba Cloud Intelligence General Manager Leo Liu.

“We can see that the Philippine economy is performing well amid the pandemic and as it recovers, these opportunities will be of great help to the government because this is a big hit for income generation,” dagdag pa ni Alibaba Cloud Intelligence General Manager Leo Liu.

Maglalaan ang kumpanya ng $1-B upang mapalakas ang pwersa ng nasa 1,000,000 na digital talents, 100,000 na developers at 100,000 na tech startups sa mga bansa sa Asya.

Kasama rin sa plano ng kumpanya na sanayin ang 50,000 na local information technologists at tulungan ang 5,000 na mangangalakal na makapag-negosyo online sa 2023.

(Rhuss Egano | La Verdad Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: