Kilos protesta sa iba’t ibang panig ng Estados Unidos, nagpapatuloy

by Radyo La Verdad | July 12, 2016 (Tuesday) | 629
Photo Courtesy: Reuters

Photo Courtesy: Reuters

Nasa ikatlong araw na ang protesta laban sa mga U.S. police tactics na isinagawa sa major cities ng Estados Unidos.

Sa Memphis, ilang oras na hindi madaan ang interstate-40 dahil daan-daan ang nagpoprotesta dahil sa pagkamatay ng dalawang black American noong nakaraang linggo sa St.Paul, Minnesota at Baton Rouge, Louisiana.

Nagmartsa naman papuntang state capitol ang mga protester sa Atlanta, habang nagtungo naman malapit sa lax airport ang mga protester sa Los Angeles.

Samantala kaugnay nito ay naglabas na ng travel warning ang Bahamas, Bahrain at United Arab Emirates sa mga mamamayan nito na magtutungo ng Estados Unidos.

(UNTV RADIO)

Tags: ,