Klase sa mga paaralan sa ilang lugar sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan, suspendido ngayong araw

by Radyo La Verdad | June 11, 2018 (Monday) | 1323

Suspendido ang klase sa ilang lugar sa Metro Manila at ilang kalapit lalawigan ngayong araw. Ito ay dahil sa sama ng panahon na dulot ng habagat.

Kabilang sa mga walang pasok ang lahat ng lebel sa pampubliko at pribadong paaralan kabilang ang Caloocan City, Malabon, Mandaluyong, Manila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay City, Pasig City, Pateros, Quezon City, San Juan City, Valenzuela City, Las Piñas, Bataan, Batangas, Meycauayan Bulacan, Olongapo City, Subic at Zambales.

Suspendido rin ang klase ng pre-school to elementary sa Bacoor, Cavite at kindergarten to high school naman sa Abra at Taguig City.

Tags: , ,