Kontribusyon ng teknolohiya sa business sector, tampok sa science nature tour ng DOST sa Central Luzon

by Radyo La Verdad | April 14, 2016 (Thursday) | 7609

dost-facade
Sinimulan na ng Department of Science and Technology ang kanilang science nature tour sa Central Luzon.

Tampok rito ang mga teknolohiya na may malaking magagawa sa pag-unlad ng business sector, lalo na sa larangan ng food processing.

Kabilang sa mga ito ang DOST-developed na mga makinarya gaya ng spray dryer, fish dryer, vaccum fryer at waterator.

Layunin ng tour na mai-promote ang local products na ginamitan ng makabagong pamamaraan na makatutulong ng malaki sa mga negosyante.

Sa labing-isang libong local varieties na na-develop ng DOST, dalawandaan dito iprinesenta ng ahensya sa publiko;

Kabilang na rito ang milk drink na gawa mula sa bigas, spices and condiments, fried langka at carrots at fried tahong at iba pang lokal na produkto.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,