Kopya ng warrant of arrest laban kay Sen. Trillanes, hawak na ng NCRPO

by Radyo La Verdad | December 10, 2018 (Monday) | 7264

Hawak na ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kopya ng arrest warrant laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Kaugnay ito ng four counts of libel na isinampa laban sa senador ni Presidential son Paolo “Pulong” Duterte sa Davao City Regional Trial Court Branch 54.

Ayon kay NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazer, nakikipag-ugnayan na sila sa Senate Sergeant at Arms kaugnay ng isyu.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Trillanes sa isang statement noong Biyernes na kapag lumabas ang warrant of arrest ay agad siyang maglalagak ng pyansa sa kinauukulang korte ngayong araw.

Tags: , ,