Korapsyon at pang-aabuso, walang puwang sa gobyerno – PBBM

by Radyo La Verdad | September 28, 2023 (Thursday) | 1710

METRO MANILA – Walang puwang sa gobyerno ang korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan.

Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang pangunahan ang panunumpa ng newly promoted na star rank officers ng Philippine National Police sa Malakanyang nitong September 27.

Ayon sa pangulo, dapat gawing prayoridad ng mga opisyal ang direktang pakikipagugnayan at koopersaayon sa mga komunidad.

Kailangan din aniyang mapanatili ang zero-tolerance policy sa korapsyon at pagabuso sa karapatang pantao.

“Sa bagong Pilipinas na ating itinataguyod, walang puwang para sa hanay ng ating kapulisan ang korapsyon, pang-aabuso sa kapangyarihan, at iba pang katiwalian [at] mga ilegal na gawain.” Ani Pres. Ferdinand Marcos Jr.

Tags: