Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, 142 na; bilang ng nasawi nananatiling 12

by Erika Endraca | March 17, 2020 (Tuesday) | 5253

METRO MANILA – Nadagdagan ng 2 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease sa bansa.

Umabot na sa 142 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Nanatili namang 12 ang mga nasawi base sa tala ng Department Of Health (DOH). At mayroon nang 3 nakarecover o gumaling.

Karamihan sa mga infected ng virus ay pawang mga Pilipino na nasa mahigit 100.

Sa buong mundo umabot na sa mahigit 156,000 ang kabuoang kaso ng COVID-19. Habang halos 6,000 na ang bilang ng mga nasawi.

Paalala po ng Department Of Health sa publiko upang makaiwas sa COVID-19 iwasang hawakan ang mukha lalo na ang mga mata, ilong at bibig.

Ugaliin ang paghuhugas ng kamay o gumamit ng alkohol o sanitizer..
Takpan ang ilong at bibig kapag babahing at uubo.

Magsuot ng face mask lalo na kapag mayroon respiratory symptoms.

At kung makaramdamn ng anomang respiratory illnesses gaya ng sipon, ubo at hirap sa paghinga ay agad magpakonsulta sa doktor.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: