Lakbay assistance para sa mga motorista, ibibigay na serbisyo ng DPWH ngayong holiday season

by monaliza | March 31, 2015 (Tuesday) | 836

 

dpwh-LOGO

Upang mabigyan ng serbisyo ang mga motorista at commuters, magsasagawa ng “Lakbay Alalay” motorists assistance ang Department of Public Works and Highways katuwang ang 16 na regional offices at 180 district engineering offices sa buong bansa. Ito ay nagsimula na kahapon, March 30, 2015 hanggang April 6, 2015.

Ayon kay Secretary Rogelio L. Singson nakahanda ang DPWH na umayuda sa anomang emergency ngayong long holiday.

Bagamat may ilang ongoing na construction works sa ilang bahagi ng national highways, maglalagay naman ng advisories ang pamunuan ng DPWH upang maiwasan ang traffic at nakipag-ugnayan na rin ito sa mga concerned Local Government Units, Philippine National Police at Land Transportation Office for traffic management.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0