Lalake sa Calamba Laguna, tinamaan ng dalawang ligaw na bala

by Radyo La Verdad | January 1, 2018 (Monday) | 3125


Mabilis na naisugod sa JP Hospital ng kaniyang kasamahan ang isang lalake na tinamaan umano ng ligaw na bala sa brgy. Parian, Calamba Laguna pasado alas onse kagabi.

Nagtamo ng dalawang tama ng di pa malamang kalibre ng baril sa kanang hita ang biktima na kinilalang si Juan Tavera, 35 anyos.

Ayon kay Tavera, naglalakad umano sila ng makarinig sila ng dalawang putok ng baril at makakita ng dalawang tumatakbong lalake nang bigla niyang mapansin na dumudugo na ang kaniyang hita. Isinailalim sa operasyon ang biktima at nakalabas na ng ospital.

Ang pagpapaputok ng baril ay mahigpit na binabantayan ng mga otoridad sa buong bansa kasunod ng pagpapalit ng taon.

Sa ngayon iniimbestigahan na ng Calamba police ang pangyayari.

 

( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )

Tags: , ,