Lalakeng nabangga ng motorsiklo sa Tacloban City, tinulungan ng UNTV News & Rescue

by Radyo La Verdad | May 28, 2018 (Monday) | 7038

Nagtamo ng sugat sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo ang isang lalaki matapos na mabangga ng isang motorsiklo sa Maharlika Highway sa Brgy. 74, Nula-Tula Tacloban City.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, tumatawid ng kalsada ang biktima na kinilalang si Edwin Abia, 51 anyos nang mabangga ito ng motorsiklo.

Sa salaysay ng asawa ni Abia, sinabi nito na pauwi na sana ang biktima mula sa isang kasiyahan ng mangyari ang aksidente.

Aminado ito na naka-inom ng alak ang biktima. Nilapatan naman ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue Team na rumesponde sa aksidente ang tinamong sugat ng biktima pagkatapos ay dinala na ito sa eastern Visayas Regional Medical Center.

Samantala, sugatan din sa aksidente ang driver ng motorsiklong nakabangga kay Abia. Tinulungan ito ng Tacloban Rescue Unit at saka dinala sa ospital.

 

( Archyl Egano / UNTV Correspondent )

Tags: , ,