Lalaki, arestado sa pagpatay sa kaniyang kasintahan sa Biñan, Laguna

by Radyo La Verdad | May 16, 2018 (Wednesday) | 338

Tadtad ng saksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng bente singko anyos na si Maryjoy Demetillo nang matagpuan ang bangkay nito sa bahay ng kaniyang kasintahan sa Barangay Dela Paz, Binan, Laguna kahapon.

Agad namang nagsagawa ng imbestigasyon ang Laguna PNP at agad naaresto ang suspek sa South City Homes, Barangay Sto. Tomas Biñan makalipas ang dalawang oras.

Ang suspek ay ang mismong kasintahan ng biktima na kinilalang si Efren Pabalan, trentay otso anyos.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, nagkaroon muna ng matinding pagtatalo ang biktima at ang suspek bago ang pananaksak nito. Nakuha sa suspek ang ginamit niyang pananaksak na kikil.

Nahaharap sa kasong murder ang biktima na kasalukuyang nakakulong sa Biñan Police Station.

 

( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

Leave a Reply