Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Bataraza, Palawan

by Radyo La Verdad | April 6, 2016 (Wednesday) | 3880

ANDY_PALAWAN-POLICE
Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa bayan ng Bataraza, Southern Palawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, ang biktima na si Islani Hadge Abdulkarin ay binaril sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Buwal-Buwal.

Bagamat hindi pa tiyak kung ano ang motibo at sino ang nasa likod ng pamamaslang, tinututukan ito ng pulisya lalo’t kabilang ang bataraza sa watch-list areas ng PNP dahil sa mataas na kaso ng krimen lalo na tuwing panahon ng halalan.

(Andy Pagayona / UNTV Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,