Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa Pasay City

by Radyo La Verdad | December 29, 2015 (Tuesday) | 1550

REYNANTE_PATAY
Dead on the spot ang isang 24 anyos na lalaki matapos pagbabarilin umano ng isang pulis sa barangay 178 sa St. Theresa sa Pasay City pasado alas dose ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Mark Hernandez na nakatira sa barangay 179 at isang tattoo artist.

Ayon sa kaibigan ng biktima sakay sila ng motorsiklo upang bumili sana ng ulam sa lugar, nauna siyang bumaba para makauwi ngunit ilang sandali ay nakarinig na lang siya ng putok ng baril.

Pagpunta sa pinanggalingan ng putok, nakita niya kanyang kaibigan na nakadapa na sa semento at wala nang buhay.

Ayon din sa kasama din nila na tumanggi nang magpakuha sa camera bigla na lang lumabas ang suspek sa bahay at pinagbabaril ang biktima.

Marami naman ang nakakita sa pangyayari.

Ayon sa iba pang saksi, tinutukan din sila ng baril ng suspek na kinilalang Harvey Cervantes na dating miyembro umano ng PNP swat at kakilala ng biktima

Sa inisyal na imbestigasyon ng Pasay Investigation Division nagtamo ito ng tatlong tama ng bala sa kanyang dibdib.

Ayon sa ama ng biktima, wala silang alam na alitan ng kanyang anak at ng itinuturong suspek sa krimen.

Sa ngayon patuloy na pinaghahanap ng Pasay police ang suspek habang iniimbestigahan na din ang mga testigo na makakatulong sa kaso na isasampa laban sa pulis.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,