Lalaking nabundol ng isang motorsiklo sa QC, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | February 13, 2018 (Tuesday) | 2213

Patawid lang sana ng kaldasa si Mark Allan Galang nang mabundol ng isang motorsiklo sa may Congressional Avenue, Corner Sinagtala Street, Project 8, Quezon City.

Nagtamo ng pasa at sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima. Iniinda rin nito ang pananakit ng likod. Agad nilapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue ang biktima bago isinugod sa East Avenue Medical Center.

Nilapatan din ng first aid ng UNTV Rescue ang tinamong sugat ng driver ng motorsiklo at ng angkas nito.

Samantala, magkatuwang na tinulungan ng ORO Rescue at UNTV News and Rescue Team sina Rey Babanto at Kenneth Payot matapos mabunggo ng tricycle ang kanilang sinasakyang motorsiklo kaninang pasado alas dos ng madaling araw.

Binabaybay nina Babanto at Payot ang kahabaan ng Vamenta Boulevard ng mabangga sila ng tricycle.

Matapos malapatan ng first aid ang mga tinamong sugat ng mga biktima ay dinala na ang mga ito sa Northern Mindanao Medical Center.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,