Lalaking pinagbubugbog sa Apalit, Pampanga, nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | April 12, 2016 (Tuesday) | 1440

JOSHUA_TMBB
Nadatnan ng UNTV News and Rescue ang lalaking ito na naka handusay malapit sa basuraan sa kahabaan Mc Arthur Hi-Way sa Barangay Sampaloc, Apalit Pampanga pasado alas diyes kagabi.

Inasses ng grupo ang kalagayan nito at nakitang may malalim na sugat sa kanang tagiliran nito na kaagad namang binigyan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team.

Hindi makausap ng maayos ang biktima dahil na rin sa kalasingan.

Walang pagkaka-kilanlan ang biktima at wala ring nakaka-kilala sa kanya sa mga residente sa lugar

Ayon sa PNP Apalit, malaking posibilidad na pinagbubugbog ito.

Matapos malapatan ng first aid ang biktima ay pinadala na lamang ito ng PNP sa police station sa Apalit.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,