Lalaking sugatan sa Davao City, agad tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | May 2, 2018 (Wednesday) | 3753

Galos at pananakit ng balakang ang idinadaing ni Ryan Quinto matapos araruhin ng isang pick-up truck ang isang karenderia sa may Guillermo Torres St., Bucana Boulevard, Davao City kaninang madaling araw.

Bukod sa karenderia, binangga rin ng truck ang ilang nakaparadang sasakyan.

Nag-aabang lang sa labas ng karenderia si Quinto nang mangyari ang insidente. Nadaganan ito ng tricycle na kasama sa mga nabunggo ng truck.

Batay sa imbestigasyon ng mga pulis, mabilis ang takbo ng pick-up truck dahil nakikipag-unahan ito sa isang taxi.

Agad nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue si Quinto habang ang dalawa pang sugatan sa insidente ay tinulungan ng Davao Central 911.

Tumanggi namang magpadala sa ospital si Quinto.

Sasampahan naman ng kasong reckless imprudence resulting in serious physical injuries and damage to property ang driver ng pick-up truck.

 

( Dianne Ventura / UNTV Correspondent )

Tags: , ,