Leila De Lima, nanumpa ngayong araw bilang miyembro ng Liberal Party

by Radyo La Verdad | October 9, 2015 (Friday) | 1535

leila de lima photo untv file

Nanumpa na ngayong araw bilang miyembro ng liberal party si Justice Secretary Leila De Lima.

Pinangunahan ni Senate President Franklin Drilon ang nasabing panunumpa ni De lima na sinaksihan naman ni Liberal Party standard bearer Mar Roxas at vice-presidential candidate Leni Robredo.

Kaugnay nito, inaasahan na kabilang si De Lima sa labing dalawang senatorial candidate na tatakbo sa ilalim ng partido.

Samantala, epektibo naman simula sa Lunes ang inihaing resignation letter ni De Lima.

Tags: , , ,