Libreng medical, dental at optical mission, muling ipinagkaloob sa mga miyembro ng National Press Club

by Radyo La Verdad | June 6, 2016 (Monday) | 1485

NPC
Bilang pagkalinga sa ating mga mamamahayag ay muling nagsagawa ng free medical, dental at optical mission ang UNTV sa National Press Club Bldg. sa Intramuros Manila kahapon.

Mahigit sa isandaan ang napaglingkuran ng ating volunteer doctors at nurses na palagi nang katuwang ng ating Mr. Public Service Kuya Daniel sa pagbibigay serbisyo sa mga miyembro ng NPC maging sa kanilang mga ka-anak.

Buwan-buwan ay isinasagawa ang proyektong ito sa pakikipagtulungan pa rin ng Members Church of God International sa pangunguna ni Bro. Eli Soriano na sa tuwina’y inaalala ang kalusugan ng ating mga kasama sa media.

(UNTV NEWS)

Tags: , ,