Liderato ng Kamara at Bangsamoro Transition Commission, nagpupulong kaugnay sa BBL

by Radyo La Verdad | May 23, 2018 (Wednesday) | 1188

Sa isang executive meeting nag-usap sina House Speaker Pantaleon Alvarez at mga kinatawan Bangsamoro Transition Commission (BTC).

Nais ng kongresista na baguhin ang ilang probisyong nakapaloob sa orihinal na bersyong isinumte ng BTC na sya ring inaprubahan ng kumite sa Kamara.

Pero tumanggi naman si Alvarez na idetalye ang mga isyung kanilang pinagusapan sa kanilang pagpupulong.

Target ng Kamara na ipasa sa 3rd and final reading ang BBL sa ika-30 ng Mayo bago ang sine die adjournment.

Pagkatapos nito ay hihilingin ni Speaker Alvarez kay Pangulong Rodrigo Duterte na i-certify urgent ang BBL upang agad na maisabatas.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, handang i-certify as urgent ni Pangulong Duterte ang panukalang BBL oras na matiyak na ang bersyong ito ang pinagkasunduan ng BTC.

 

( Grace Casin / UNTV Corresspondent )

Tags: , ,