Lt. Gen. Noel Clement, pormal nang umupo sa pwesto bilang bagong AFP Chief of Staff

by Erika Endraca | September 25, 2019 (Wednesday) | 5405
PHOTO Courtesy: Manila Bulletin

MANILA, Philippines – Opisyal nang pinalitan ni Lt. Gen. Noel Clement si Retired Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Benjamin Madrigal, Jr. sa change of command ceremony kahapon (September 24).

Si Clement ang pang-52  AFP Chief of Staff at pang-6 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, sa kauna-unahang pagkakataon hindi naman nakadalo sa seremonya si Pangulong Duterte kaya si Defense Secretary Delfin Lorenzana ang humalili sa kanya.

Palinawag ng palasyo, pinili na lamang ng pangulo na magpahinga dahil masama ang pakiramdam nito Kahapon, (September 24).

(April Cenedoza | UNTV News)

Tags: