Listahan ng magiging miyembro ng gabinete ni Rodrigo Duterte, patuloy na binabalangkas

by Radyo La Verdad | May 13, 2016 (Friday) | 2487

RODRIGO-DUTERTE
Patuloy nang binabalangkas ng kampo ni Presumptive President Rodrigo Duterte ang listahan ng magiging bahagi ng gabinete ng incoming president.

Ayon kay Peter Lavina, ang tagapagsalita ng transition team ni Duterte, kanina ay nagkaroon sila ng teleconference upang muling pag-usapan ang ilalagay na staff sa summary of the national government.

Una nang sinabi ni Lavina na may inilagay na silang point persons sa bawat cluster issues gaya ng social development, security, economy, insfrastructure, justice system at government-owned and controlled corporations.

Gayunman, na kay Duterte pa rin ang huling desisyon kung aaprubahan o papalitan ang inilatag nilang mga pangalan.

Ayon sa kampo ni Duterte, may ibinabang criteria ang presumptive president para sa mga taong isasama sa kanyang gabinete gaya ng pagkakaroon ng integridad, abilidad, kaisang pananaw para sa tunay na pagbabago sa bansa at kahandaang mag-sakripisyo para sa bayan.

(Janice Ingente / UNTV Correspondent)

Tags: ,