METRO MANILA – Nagbigay ng direktiba ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa mga local chief executives na ipatupad ang pagbabawal o limitasyon sa mass gathering sa iba’t ibang klasipikasyon ng community quarantine sa bansa, sa layuning mapangalaagaan ang public health at safety.
Kung papalyang maipatupad ito, posibleng maharap sila sa parusa dahil sa pagpapabaya sa pagganap ng tungkulin.
Sa pahayag ni Interior Secretary Eduardo Ano, maaaring sampahan ng administrative complaint o criminal case ang mga iresponsableng lider ng lokal na pamahalaan.
Aniya, may importanteng tungkuling ginagampanan ang mga Local Government Units (LGUs) sa pagpapatupad ng regulasyon laban sa mass gatherings at kinakailangang i-adopt at sundin ang guidelines at mga polisiya ng Inter-Agency Task Force.
Inatasan din ni Año ang Philippine National Police (PNP) na istriktong ipatupad ang mga polisiya ng IATF laban sa mass gatherings.
Maaari namang magsumbong o maghain ng reklamo ang mga mamamayan sa local DILG regional offices kung di maipatutupad ang mass gathering regulations sa pamamagitan ng email sa dilgeoc.complaint@gmail.com at numero ng telepono 02-8876-3454 local 881 hanggang 884.
Sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), maaari ang religious gatherings subalit limitado lamang sa 10% ng venue capacity at bawal ang gatherings sa labas ng residences.
Sa ilalim naman ng General Community Quarantine (GCQ), pwede rin ang religious gatherings subalit limitado lamang sa 30-% ng venue capacity at bawal pa rin ang gatherings sa labas ng residences liban sa mga pinahihintulutan.
Samantalang sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) naman, maaari ang gatherings hanggang 50% ng seating o venue capacity subalit ipatutupad ng mahigpit ang minimum public health standards.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: DILG, local chief executives, mass gatheing, PNP
METRO MANILA – Bumaba ang bilang ng krimen sa Davao City ngayong taon batay sa record ng Davao City Police Office.
Mula January hanggang May 2024, umabot lamang sa 1,759 ang naitalang crime incident sa lungsod na mas mababa sa kaparehong period noong nakaraang taon na 1,831 cases.
Nangunguna parin dito ang mga kaso ng pagnanakaw, pagpatay at rape.
Bumaba rin ang bilang ng mga naiuulat na index crime ngayong 2024 tulad murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft at carnapping.
Ayon sa Davao City Police, ang pagbaba ng krimen ay dahil sa maigting na pagpapatupad ng police operation at peace and order sa lungsod.
Sa kabila rin ito ng isyung kinaharap ng Davao City PNP tulad sa paghahanap sa Religious Group Leader na si Apollo Quiboloy at sa kamakailang pag-relieve sa 35 pulis sa kanilang dako.
Patunay lamang ito na nanatili paring isa sa safest city sa Asia ang Davao City.
Tags: crime rate, Davao, PNP
METRO MANILA – Hinikayat ng DILG ang mga Local Governments Units (LGUs) na i-update ang kanilang disaster action plans at hazard maps para sa pagpasok ng La Niña phenomenon.
Ayon kay DILG Undersecretary Marlo Iringan, kinakailangan na regular na magdaos ng pagpupulong ang mga lokal na opisyal at magsagawa ng la nina pre-disaster risk assessment.
Nanawagan din ito ng agresibong paglilinis ng Estero at daluyan ng tubig upang maiwasan ang mga pagbaha bilang bahagi ng mitigation measures sa ilalim ng operation listo ng ahensya.
Kinakailangan din na masuri ang integridad at kapasidad ng mga evacuation center at huling opsyon na lamang ang paggamit ng paaralan.
Nauna ng inatasan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga LGU na maghanda sa paparating na La niña sa kabila pa rin ito ng nararanasang El niño ng bansa.
METRO MANILA – Binuo ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior ang isang special committee na tututok sa pagtatanggol at pagpapalakas sa karapatang pantao sa bansa.
Batay sa Administrative Order (AO) Number 22 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong May 8, nakasaad na pamumunuan ang komite ng nabanggit na opisyal at ni Justice Secretary Crispin Remulla bilang Co-Chair nito.
Magiging katuwang nila ang mga kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Isa sa pangunahing tungkulin ng komite ang mag-imbestiga, kumuha ng datos hinggil sa mga hnihinalang human rights violations ng law enforcement agencies at makipagtulungan sa private sectors.