LRAD, kayang makapag-emit ng 149 decibels sa loob ng isang metro

by Radyo La Verdad | November 15, 2017 (Wednesday) | 68

Taong 2003 nang ipakilala ang Long Range Acoustic Device o LRAD na isang powerful communication system mula sa Estados Unidos na karaniwang ginagamit ng militar at public safety agencies. Bukod sa maritime and perimeter security, nagagamit din ito maging sa Wildlife Preservation and Asset Protection.

Ngunit ang pagiging crowd-control device nito ang kumuha ng atensyon ng publiko, kung saan tinawag itong “sonic o sound cannon”.

Naging matunog ang LRAD noong 2009 nang gamitin ng U.S. police sa Pittsburgh, Pennsylvania laban sa anti-globalization demonstrators sa G20 Summit.

Gamit ang LRAD 1000, ganitong sistema rin ang ginawa ng PNP nang maging marahas umano ang mga raliyista noong ASEAN Summit.

Kaya umano nitong makapag-emit ng hanggang 149 decibels sa loob ng isang metro o halos kasinlakas ng paputok at firearms. Kung ikukumpara sa normal conversation na nasa 60 decibels lamang, magsisimulang mag-vibrate ang ating baga sa ganito kalakas na tunog.

Ayon sa mga eksperto, pag umabot na sa 80 decibels ang tunog, maaari na itong makasira ng pandinig ang mahigit pa rito ay maaaring makapagdulot ng eardrum vibration at pagkabingi naman kapag na-expose ng matagal sa ngayon ay hindi malinaw kung ilang decibels ang nagmula sa lrad ng pnp, ngunit sinabi ni ncrpo director oscar albayalde na ginamit ito para lamang mabigyan ng temporary discomfort ang mga raliyista.

Ipinagtanggol naman ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa ang paggamit ng LRAD ng kaniyang mga tauhan.

Ang LRAD ay nagkakahalaga ng 5,000 hanggang 190,000 USD depende sa modelong bibilhin. Ibinebenta ito sa mahigit anim na pung bansa sa buong mundo.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

Leave a Reply