LRT-2, walang biyahe simula April 18 hanggang 21 dahil sa long holiday

by Radyo La Verdad | April 12, 2019 (Friday) | 285

MANILA, Philippines – Pansamantalang suspendido ang biyahe ng LRT line two simula April 18 hanggang 21 upang bigyang daan ang long holiday.

Inaabisuhan din ang mga pasahero na mas maagang magsasara ng operasyon ng LRT-2 sa April 17 araw ng Miyerkules.

Bibiyahe ang huling tren mula Santolan hanggang Recto station ng alas siete ng gabi.

Habang 7:30 pm naman para sa mga manggagaling ng Recto papuntang Santolan station.

Babalik sa normal ang operasyon ng LRT-2 pagsapit ng April 22 araw ng Lunes.

Tags: ,