Lt. Col. Ferdinand Marcelino, nasa DOJ na para sa inquest proceedings

by Radyo La Verdad | January 22, 2016 (Friday) | 1528

LT.COL.MARCELINO
Dumating na sa Department of Justice si Lt.Col. Ferdinand Marcelino ngayong araw.

Ito’y para sa kanyang inquest proceedings matapos na mahuli sa shabu clandestine laboratory kahapon sa Sta.Cruz Manila.

Sasampahan ito ng kasong paglabag sa Section 8 Manufacturing Dangerous Drugs at Section 11 Possession of Dangerous Drugs at Sec.26 conspiracy ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kahapon isinailalim na sa medical, booking at finger printing at mugshot si Marcelino sa Kampo Crame.

Mula sa DOJ si Marcelino ay ibabalik sa AIDG para sa proper documentation at tsaka dadalhin sa BJMP sa Camp Bagong Diwa sa Taguig.

Tags: , ,