Lt. Gen. Rolando Bautista, itatalaga ni Pangulong Duterte bilang bagong NFA Administrator

by Radyo La Verdad | September 17, 2018 (Monday) | 2034

Photo via Philippine Army website

Itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong National Food Authority (NFA) Administrator ang magreretiro ng pinuno ng Armed Forces of the Philippines na si Lt. Gen. Rolando Bautista.

Bagaman aminado si Pangulong Duterte na posibleng hindi magugustuhan ni Bautista ang bagong posisyon, tiwala ito na magagampanan ng heneral ang bago nitong tungkulin.

Muling sinabi ni Pangulong Duterte na nais niyang maging bahagi ng gabinete ang mga retired general dahil nais niyang nasusunod ang kanyang mga ipinag-uutos

Si Bautista ay nakatakdang mag retiro sa oktubre, pagkatapos nito ay saka pa lamang opisyal na makakaupo bilang bagong NFA Administrator.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,