LTFRB, sinabing wala nang extension sa provisional authority to operate ng unconsolidated jeeps

by Radyo La Verdad | June 13, 2024 (Thursday) | 29759

METRO MANILA – Inanunsyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na wala nang extension sa provisional authority to operate ng mga jeep na hindi nakapasok sa franchise consolidation.

Binigyang-diin ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na hindi na nila nais pag-aralan pa ang nasabing request ng ibang mga driver at operator dahil nakatuon na sila ngayon sa implementasyon ng modernization program.

Sinimulan na ng ahensya ang crackdown sa mga colorum na jeep gamit ang ibang pamamaraan dahil wala pang available na guidelines para sa on the ground apprehension ng unconsolidated jeepneys.

Wala pang approval ng Department of Transportation (DOTr) ang dapat gawin ukol dito.

Kailangan namang magpakita ng papeles ng isang jeep na mahuhuling hindi rehistrado para mapatunayan na sila ay nakapag-consolidate kapag tinubos na nila ito.

Tags: ,