Lugar na pagdarausan ng pilot recount, ininspeksyon ng mga abogado nina Bongbong Marcos at VP Robredo

by Radyo La Verdad | December 5, 2017 (Tuesday) | 4252


Ininspeksyon ng mga abogado nina Vice President Leni Robredo at ni dating Senador Bongbong Marcos ang Supreme Court Gymnasium, ito ang pagdarausan ng pilot recount ng mga balota mula sa mga lalawigan ng Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.

Kaugnay pa rin ito ng protesta ni Marcos sa pagkapanalo ni Robredo sa nakaraang 2016 Vice Presidential elections.

Ayon sa abogado ni Marcos, umaasa silang mauumpisahan na ang recount sa susunod na taon.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,