Lump sum funds sa P3.002-T 2016 Proposed National Budget, bubusisiing mabuti ng Minorya sa Kamara

by Radyo La Verdad | July 29, 2015 (Wednesday) | 878

budget
Magbabantay ng husto ang mga kongresistang miyembro ng Minority group sa kamara sa bawat pagdinig na gagawin sa 3.002 trillion pesos 2016 Proposed National Budget.

Ang Makabayan block nais himaying mabuti ang umano’y 4 na lump sum o pork barrel sa pambansang budget.

Ito ay ang lump sum funds sa calamity at contingency fund.

Ang special account o ang mga revenue galing sa PCSO, PAGCOR at Malampaya funds

At ang huli ay ang pdaf na para sa kanila ay nananatili parin.

Subalit ayon kay DBM Sec Butch Abad ang lump sum funds ay 4-billion pesos sa contigency funds o ang pondong ginagamit kung may mga pilipinong nasa ibang bansa na kailangan pauwiin sa Pilipinas.

At sa National Disaster Risk Reduction and Management Fund o ang dating tinatawag na calamity funds na nagkakahala ng 38.9 billion pesos.

Pinabulaanan naman ng Malakanyang sa kongreso ang paghimay kung may iregularidad sa 2016 proposed budget.

Tags: