Mag-live in partner na tulak umano ng droga, arestado sa buy bust operation sa Quezon City

by Radyo La Verdad | December 6, 2018 (Thursday) | 603

Agad na inaresto ng Quezon City Police District (QCPD) Station 7 ang mag-live in partner na sina Melchor Guadiz at Olga Macabangon nang makabili ng limang daang pisong halaga ng shabu sa kanila ang pulis na nagpanggap ng buyer sa Barangay Soccoro, Quezon City alas otso kagabi.

Ayon sa QCPD, matagal na nilang minamanman ang dalawa na umanoy supplier ng droga sa ilang lugar sa Cubao.

Nang kapkapan ang suspek, nakuha sa mga bulsa nito ang dalawang cellphone, dalawang coin purse na naglalaman ng labing pitong sachet ng hinihinalang shabu at limang daang pisong marked money. Sa kabila nito, todo tanggi pa rin ang mga suspek.

Ayon sa PNP, nakulong na si Melchor Guadiz sa kasong robbery-hold up at nakalaya noong taong 2016.

Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang pagtugis ng PNP sa supplier ng mga suspek na taga-Cavite.

 

( Gerry Galicia / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,