Magiging running mate ni Mar Roxas sa 2016 elections, i-aanunsyo ngayong buwan ayon sa Liberal Party

by Radyo La Verdad | September 17, 2015 (Thursday) | 2107

LIBERAL-PARTY
Siniguro ng Liberal Party na iaanunsyo na nila ngayong buwan kung sino ang magiging running mate ni Presidential bet Mar Roxas pati na ang bubuo sa senatorial slate ng partido para sa 2016 National Elections.

Ayon kay LP Stalwart at Budget Sec. Florencio Abad, sa ngayon ay patuloy pa silang namimili kung sino ang karapat-dapat na maging running mate ni Roxas sa nalalapit na halalan.

Una nang napabalita na kabilang sa kanilang mga pinagpipilian sina Congresswoman Leni Robredo at Batangas Governor Vilma Santos.

Ngunit nagsabi na si Santos na wala siyang planong tumakbo sa 2016 habang si Robredo ay patuloy pa ring kinukumbinse ng LP.

Sinabi rin ni Abad na hindi naman kawalan sa kanilang hanay si Sen. Grace Poe na ngayon ay opisyal nang nagdeklara ng kanyang intensyong kumandidato sa pagka-pangulo sa 2016. ( Joshua Antonio / UNTV News)

Tags: , ,