Magkapatid na tulak umano ng iligal na droga sa Calamba Laguna, patay sa buybust operation

by Radyo La Verdad | May 25, 2018 (Friday) | 3908

Dead on the spot ang magkapatid na Efren at Edwin Manaig sa buy bust operation ng Laguna PNP sa sa sa sitio bihunan, Barangay Real Calamba, Laguna kagabi.

Nanlaban umano ang mga suspek ng makatunog na pulis ang kanilang ka-transaksyon. Nakuha sa crime scene ang sampung pakete ng hinihinalang shabu at dalawang .38 na baril.

Ayon sa PNP, mga bus at jeepney driver ang mga parokyano ng magkapatid na suspek sa kanilang bahay na nagsisilbi na ring drug den.

Patay naman ang isang lalaki natulak umano ng iligal na droga sa Barangay Alulod Indang, Cavite Kagabi.

Nanlaban din umano ang bente nueve anyos na si Jefrey Ryan Alcantara nang mahalata na pulis asset ang bumili sa kaniya ng droga.

Nakuha sa suspek ang tatlong daang piso na ginamit na marked money, isang sachet ng hinihinalang shabu at kalibre kwarentay singko na baril at mga bala.

Kasalukuyan naman pinaghahanap ng mga pulis ang kasamahan nitong nakatakas.

 

( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )

Tags: , ,