Mahigit 20 patay sa car bomb attack sa Somalia

by Radyo La Verdad | August 22, 2016 (Monday) | 2453

SOMALIA
Mahigit dalawampu ang nasawi kabilang na ang ilang myembro ng government security forces sa pagsabog ng dalawang car bomb sa Somalia.

Ayon sa mga otoridad, dalawang car bomb ang pinasabog ng militant group na Al Shabaab sa government headquarters sa bayan ng Galkayo.

Ayon sa mga residete nakarinig muna sila ng dalawang malalakas na pagsabog na sinundan ng mga putok ng baril.

(UNTV RADIO)

Tags: ,