Mahigit 500 residente sa San Pedro, Laguna natulungan sa medical mission ng UNTV at MCGI

by Radyo La Verdad | February 2, 2018 (Friday) | 2574

Mahigit isang daan at tatlumpung mga bata ang natingnan ng mga doktor na karaniwan ay mayroong ubo at sipon.

Ngunit bukod sa mga bata ay mayroon ding mga Senior Citizen at iba pang indibidwal na natulungan sa mga libreng serbisyo ng grupo. Umabot ang mga ito sa mahigit limang daan.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nagsagawa ng medical mission ang UNTV, MCGI at Partners in Public Service nito sa brgy. Magsaysay.

Payo naman ng mga volunteer doctor, pakainin ng prutas at gulay ang mga bata at umiwas sa bisyo ang mga matatanda upang hindi madaling kapitan ng sakit.

 

( Sherwin Culubong / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,