Mahigit 60 Tourism officials sa Negros Occidental, sumailalim sa Tourism Statistics Training

by Radyo La Verdad | August 23, 2017 (Wednesday) | 3871

Mahigit anim na pung Tourism officials ng ibat-ibang Local Government Units sa Negros Occidental ang isinasailalim sa tatlong araw na Basic Tourism Statistics Training ng Department of Tourism.

Layon nito na mailagay sa sistema at mapadali ang pagkolekta ng mga Tourism Statistics Data sa probinsiya. Ituturo sa mga ito ang pagkalap, pag-e-encode at pagreport ng mga basic data ng tourism industry upang mabilis na mailathala sa publiko.

Ang training ay nagsimula na kahapon at inaasahan matatapos bukas.

 

(Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent)

Tags: , ,