Mahigit 6,000, naitalang pinakamataas na COVID-19 cases sa loob ng 1 araw; kabuoang kaso, lagpas 112,000 na

by Erika Endraca | August 5, 2020 (Wednesday) | 723

METRO MANILA – Nakapagtala na naman ng bagong highest single-day rise sa kaso ng COVID-19.

Kahapon (August 4), 6, 352 ang nadagdag na bagong kaso sa bansa

Kaya naman pumalo na sa 112, 593 ang kabuoang COVID-19 cases habang 44, 429 naman ang active cases

2, 115 na ang naitalang nasawi pero mayroon nang 66,049 na COVID-19 survivors ang bansa .

Samatala, 1, 436 na ang mga nahawang healthcare worker (HCW) at upang magdagdagan naman ang manpower sa kanilang hanay.

Tinatapos na ng Department Of Health (DOH) ang guideliens para sa bubuohing reserve health workers team.

Pinag- uusapan na rin sa DOH ang pagpapabilis pa ng pagre- recruit ng mga HCW sa mga probinsya mula sa mga pampubliko, pribado at medical centers sa bansa na dadalhin sa NCR, Central Luzon at Calabarzon kung saan may maraming naitalang kaso din ng COVID-19.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,