Mahigit 700 pamilya sa evacuation center sa Aurora Province, nakauwi na

by Radyo La Verdad | November 1, 2018 (Thursday) | 4376

Halos balik normal na ang pamumuhay ng ating mga kababayan sa Casiguran, Aurora matapos manalasa ang Bagyong Rosita.

Ang pamilya ni Mang Rolando ang ilan lamang sa mga tumakbo sa evacuation center nang manalasa ang Bagyong Rosita sa munisipalidad.

Kahapon ay nakabalik na sila sa kanilang bahay. Nasa dalampasigan ang kanilang tirahan kaya naman ramdam nila ang bagsik ng bagyo.

Si Aling Ester naman, sinubukan pang isalba ang nabasang palay at pilit nila itong pinapatuyo. Mula sa 140 piso na kada salop na kanilang benta ay posibleng maibenta na lamang nila ito sa isandaang piso kada salop.

Ang kanilang isang ektaryang bukirin ay sinira rin ng bagyo. Sa inaasahan sana nilang net income na mahigit 20 thousand pesos ay naglaho na lamang na parang bula.

Problema ngayon ang pamilya ni Aling Ester kung saan kukuha ng pambayad utang at nanawagan sa pamahalaan na tulungan naman silang mga magsasaka.

Ayon sa Local Risk Reduction and Management Council ng Casiguran, wala namang malaking napinsala sa kanilang bayan maliban sa agrikultura. Wala pang pinal na detalye ang lokal na pamahalaan kung magkano ang halaga ng napinsala ng Bagyong Rosita.

Patuloy ang pag-aayos ng mga natumbang poste at kable ng kuryente sa lugar.

Wala pang katiyakan kung kailan maibabalik sa normal ang suplay ng kuryente sa buong bayan

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

Ilang evacuation centers sa Batangas, hindi na tumatanggap ng evacuees

by Erika Endraca | January 20, 2020 (Monday) | 24760

METRO MANILA – Siksikan na ang mga evacuee sa Tanauan City Gymnasium 2 sa Batangas kaya hindi na muna tinatanggap ang mga bago at karagdagang evacuees, sa halip ay inirerefer ang mga ito sa iba pang evacuation centers na mayroon pang bakante.

Ayon sa mga otoridad, ito ay upang hindi magkaroon ng matinding discomfort o masyadong mahirapan ang mga pamilya na nasa evacuation centers.

Nasa 330 pamilya o katumbas sa 1,507 na indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa Tanauan City Gymnasium 2.

Bilang na minamantini na lamang ng City Social Welfare and Development Office. Nakakakain sila ng agahan, tanghalian, hapunan at dalawang miryenda.

Samantala, nilinaw naman ng DSWD na maaari pa ring kumuha ng relief goods ang mga evacuee na pansamantalang nanunuluyan sa kanilang mga kamag anak.

Kailangan lamang nilang makipag ugnayan sa kanilang tanggapan upang mabigyan ng kaukulang tulong.

“Kapag dumating sila dito bibigyan namin sila ng index card para sila ay maka avail noong mga ipinamimigay namin dito.” ani Tanauan City, Batangas City SWDO, Rebecca Havier.

Samanatala ayon sa Department of Health (DOH) 50-60% ng mga evacuee na nagpakonsulta sa kanila ay kinakitaan nila ng acute respiratory infection at hypertension dahil sa ashfall habang ang hypertension naman ay dulot ng stress bunsod ng pag eevacuate.

Tiniyak naman ng DOH na nakahanda ang lahat ng mga ospital sa Batangas na tumanggap ng mga pasyente.

(Vincent Arboleda | UNTV News)

Tags: ,

Mahigit 5,000 pamilya sa Mindanao, patuloy na kinukupkop sa mga evacuation center

by Erika Endraca | November 6, 2019 (Wednesday) | 13533

METRO MANILA – Patuloy na nananatili sa mga evacuation center ang libu-libong pamilya matapos ang magkakasunod na malakas na lindol noong nakaraang Linggo.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mahigit 5,000 pamilya o mahigit 28,000 indibidwal ang patuloy na kinukupkop sa mga itinalagang evacuation centers ng pamahalaan.

21 ang naitalang nasawi sa malakas na pagyanig, mahigit 400 ang sugatan at 2  ang patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad. Samantala umabot naman sa mahigit 30,000 imprastraktura ang nasira dahil sa malakas na lindol.

Tags: ,

Bagong tayong evacuation center sa Negros Occidental, maari nang magamit ng mga maaapektuhan ng Bagyong Samuel

by Radyo La Verdad | November 20, 2018 (Tuesday) | 14048

Taong 1991 nang tumama ang Bagyong Oring sa Bago City kung saan mahigit isang libong pamilyang nalagay sa panganib ang buhay ang inilikas. Kabilang dito si Lolo Eduardo Auenzo ng Barangay Bantayan.

Ayon kay Lolo Eduardo, umaabot noon hanggang dibdib ang tubig baha dahil sa walang tigil na pag-ulan at halos isang linggo bago humupa ang tubig. Isa lamang si Lolo Eduardo sa mga pamilya sa Barangay Lag-Asan na kadalasang inililikas sa mga paaralan, barangay hall o gymnasium kapag bumabaha o walang tigil ang ulan.

Kaya naman malaking tulong sa katulad niya ang bagong tayong Regional Evacuation Center sa Bago City dahil hindi na sila mahihirapan.

Ang bagong tayongRegional Evacuation Center ay kayang mag-accommodate ng halos limang daang pamilya. Mayroon itong kitchen and dining area, infirmary, operation center, male and female bathroom, powerhouse at ramps para sa persons with disability.

Naglagay na rin ng water tank, pump room, laundry area at material recovery facilities sa evacuation center. Tiniyak din ng DPWH na matibay ang pagkakatayo nito at nasa mataas na lugar kaya hindi papasukin ng baha.

Magtatayo rin dito ng warehouse para sa mga food at non-food items ng mga evacuees. Mag-aassign naman ng mga tauhan ng Office of the Civil Defense na siyang magbabantay at magmomonitor sa mga evacuee.

Ayon sa OCD, handa at maaari na itong gamitin anomang oras. Sa pamamagitan nito, hindi na mahihirapan ang mga evacuess na maghanap pa ng kanilang matutuluyan.

Samantala, maaliwalas pa rin ang panahon sa Negros Occidental kahit nasa ilalim ng signal no. 1 na ang buong probinsya dahil sa Bagyong Samuel.

Kanselado na rin ang pasok sa pre-school to elementary sa ilang mga pampubliko at pribadong eskwelahan.

Hindi na rin pinapayagan ng Philippine Coast Guard (PCG) na maglayag ang mga sasakyang pandagat upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero at mangingisda.

 

( Lalaine Moreno / UNTV Correspondent )

Tags: , ,

More News