Mahigit pisong rollback sa presyo ng produktong petrolyo, inaasahan ngayong linggo

by Radyo La Verdad | March 20, 2017 (Monday) | 5189


Inaasahang magpapatupad ng big-time price rollback sa mga produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong linggo.

Sa pagtaya ng oil industry players, piso at sampung sentimos hanggang piso at dalawampung sentimos ang mababawas sa kada litro ng diesel at kerosene.

Samantala, nobenta sentimos hanggang piso naman ang bawas presyo sa bawat litro ng gasolina.

Ito ang magiging ikatlong oil price rollback ngayong buwan.

Tags: , , ,