Mahigit sa 600 na sangay ng MCGI Free Store, bubuksan sa March 14

by Erika Endraca | March 13, 2021 (Saturday) | 818

METRO MANILA – Bubuksan na bukas (March 14) ang Members Church of God International (MCGI) Free Store sa pangunguna ng mga miyembro ng MCGI. Ito ay mayroong physical at online stores sa iba’t ibang dako ng mundo para sa lahat ng tao na nangangailangan.

“Ito po ay open sa ating mga kababayan anuman po ang inyong religious affiliation, anuman po ang inyong political affiliation, hindi po tayo nagtatangi ng mga tao riyan at iyan po ay isang adhikaing dala-dala ng Members Church of God International dahil ‘yan po ang isa sa mga tagubilin sa amin palagi ni Brother Eli Soriano—ang aming isapuso at isaisip ang pagsunod sa kabutihang asal na itinuturo ng Dios at paglingap sa ating mga kapuwa taong nangangailangan,” paanyaya ni Kuya Daniel sa kanyang programang Serbisyong Bayanihan.

Narito ang mga listahan ng lugar kung saan mayroong MCGI Free Store:

Philippines: Metro Manila, Pampanga, Bulacan, Bataan, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, Mindoro, Romblon, Quezon, Marinduque, Bicol Region, Visayas Region, Mindanao Region

Asia: Singapore, China, Australia, New Zealand, Saipan, Papua New Guinea, Hong Kong, Taiwan, Japan, Seoul South Korea, Vietnam, Kuala Lumpur Malaysia, East Timor, Israel

Brazil: Minas Gerais, São Paulo, Parana, Rio de Janeiro, Rio Grande do Sul, Mato Grosso, Bahia, Distrito Federal

Latin America: Dominican Republic, Paraguay, Colombia, Costa Rica, Nicaragua, Honduras, Ecuador, Bolivia, Peru, El Salvador, Mexico, Haiti

Africa: Liberia, Ghana, Mozambique.

(Beth Pilares | La Verdad Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: