Makati Acting Mayor Peña, nakiisa sa isinagawang command conference ng Makati Police

by monaliza | March 26, 2015 (Thursday) | 419

pena
Kabilang si Makati Vice Mayor Romulo Peña sa isinagawang command conference ng Makati Police ngayong araw.

Nanguna sa nasabing pulong si Makati Police chief Sr. Supt. Ernesto Barlam at mga station commander kung saan inilahad nito kay Peña ang kanilang mga programa laban sa kriminalidad at pagpapaigting pa ng peace and order sa lungsod.

Nilinaw naman ni Barlam at ni Southern Police District deputy director for operations Supt. Elmer Jamias na layun laman nila na gampanan ang kanilang tungkulin na panatilihin ang kapayapaan.