Malacañang, hindi pipigilan ang mass walkout ng mga estudyante bukas

by Radyo La Verdad | February 22, 2018 (Thursday) | 4362

Hindi pipigilan ng Malacañang ang isasagawang kilos-protesta ng mga mag-aaral bukas.

Subalit apela ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque sa mga estudyante, hindi dapat sinasayang ng mga mag-aaral ang pondong inilalaan ng pamahalaan para sa kanilang libreng pag-aaral.

Pero una ng iginiit ng mga militanteng estudyante na tuloy ang kanilang protesta bukas at hindi sila natatakot na ma-kick out sa paaralan dahil dito.

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,