Malacañang, idinipensa ang naging pahayag ni Pang. Duterte laban sa COA

by Radyo La Verdad | January 10, 2019 (Thursday) | 308

MANILA, Philippines – Ipinagtanggol ng Malacañang ang mga binitiwang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Commission on Audit o COA.

Kamakailan, pinuna ng mga kritiko ng administrasyon ang pahayag ng punong ehekutibo na pagpapadukot at pagpapa torture sa mga auditor ng COA.

Subalit ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, biro lamang ito at ang pinatutungkulan ng Pangulo ay ang sobrang higpit na proseso ng komisyon na nakapipigil sa pag-usad ng mga proyekto at programa ng pamahalaan. 

Mandato ng COA na busisiin ang mga transaksyong pinapasok ng mga ahensya ng pamahalaan upang matiyak ang tamang paggastos sa pondo ng taumbayan.

(Rosalie Coz | UNTV News)