Malacañang, iginiit na walang special treatment para kay Purisima

by dennis | June 10, 2015 (Wednesday) | 1278

PURISIMABOI 031315

Hindi na pinatulan ng Malacanang ang panawagan ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Pangulong Noynoy Aquino na dapat nang sibakin at huwag nang pabalikin sa serbisyo ang nagresign na si PNP Chief Dir. Gen. Alan Purisima.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr. na walang nakukuhang special treatment ang heneral mula sa pamahalaan.

Patuloy rin aniya ang pagkilos ng administrasyong Aquino para mabigyan ng katarungan ang pagkasawi ng 44 na SAF Commandos sa Mamasapano Maguindanao.

Nauna nang nangako ang Pangulo na papanagutin nito ang sinomang mapatunayan na nagkasala sa nangyaring operasyon.(Jerico Albano/UNTV Radio)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , ,