Malacañang kinundina ang pagkamatay ng OFW sa Kuwait

by Erika Endraca | January 2, 2020 (Thursday) | 3541

METRO MANILA – Kinundina ng Malacañang ang pagkamatay ng 1 domestic helper sa kamay ng kanyang amo sa Kuwait.

Ayon kay Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Council Salvador Panelo ang insidenteng ito ay nagpapakita ng hindi pagsunod sa linagdaang kasunduan ng Pilipinas at Kuwait sa 2018.

Kung saan nangako ang pamahalaan ng Kuwait na proprotektahan ang mga Pilipinong nagtatrabaho doon.

Inaasikaso na ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapauwi sa labi ng biktima.

(Grace Casin | UNTV News)

Tags: ,