Malacañang, mariing kinundena ang pangalawang pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat

by Radyo La Verdad | September 3, 2018 (Monday) | 1950

Courtesy of JB Utto

Mariing kinundena ng Malacañang ang pangalawang pagsabog sa Isulan, Sultan Kudarat.

Isa ang nasawi sa pagsabog ng isang improvised explosive device sa Isulan kagabi kung saan isang 18-taong gulang na lalake ang nasawi samantalang kulang 10 ang nasugatan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, nabigyan na ng impormasyon si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil dito ng Philippine National Police (PNP).

Umapela rin ang Malacañang sa mga residente na iulat ang anomang kahinahinala sa mga otoridad at nangakong papanagutin ang mga nasa likod ng pag-atake.

Tags: , ,